|
Post by Doreen Hufano on Nov 4, 2010 15:10:18 GMT 8
Dear Maam Bernadeth, Hi po ako po ay si Doreen Hufano na nakatira d2 sa 653 Craig St Sampaloc Manila, May isang anak , Ako po ay isang single mom humihingi po sana ako ng tulong sa inyo na kahit man lang ilang sandali madugtongan konti ang aking buhay malala na po ang breast nag susugat na po sya iba na ang amoy hirap na hirap na po ako pilit lang po ako lumalaban sa anak ko at nanay ko hindi na po kc ako nagtratrabaho ngayon kaya walang wala po talaga kami ako lang po ang tumataguyod sa pamilya sa ngayon kung kani kanino lang po ako humihingi ng tulong...sana miss Bernadeth matulongan nyo ako para man lang madugtungan man ang kahit sandali ang buhay ko.
Nagsusumamo po ako maraming salamat po.
Doreen Hufano
|
|
|
Post by kuya Garry on Jan 7, 2011 13:48:03 GMT 8
Dear Maam Bernadeth, Hi po ako po ay si Doreen Hufano na nakatira d2 sa 653 Craig St Sampaloc Manila, May isang anak , Ako po ay isang single mom humihingi po sana ako ng tulong sa inyo na kahit man lang ilang sandali madugtongan konti ang aking buhay malala na po ang breast nag susugat na po sya iba na ang amoy hirap na hirap na po ako pilit lang po ako lumalaban sa anak ko at nanay ko hindi na po kc ako nagtratrabaho ngayon kaya walang wala po talaga kami ako lang po ang tumataguyod sa pamilya sa ngayon kung kani kanino lang po ako humihingi ng tulong...sana miss Bernadeth matulongan nyo ako para man lang madugtungan man ang kahit sandali ang buhay ko. Nagsusumamo po ako maraming salamat po. Doreen Hufano Mam, inform ko lang po kayo na sadly Doreen hufano age 34 just past away this Jan. 4, 2011 two months after her message here. Masakit at malungkot po ang kanyang naging huling sandali sa pakikibaka sa cancer ngunit hindi po siya nawalan ng pag-asa na siya gagaling para sa kanyang mga anak at nanay. May naiwan po siyang 2 anak isang napaka-bait at napaka-talinong sampung taong gulang na babae na Grade 5 honor student at isang baby girl na mahigit isang taong gulang palang. Malungkot lalo na sa kanyang mga naiwan siya po ay isang mabuting anak, responsableng ina, matatag na single mom at matapang na humaharap sa anumang pagsubok. Isa pa sa aking ikinalulungkot ko ng mabasa ko ang kanyang mensahe dito ay ang maling address na kanyang nailagay na dapat po ay 853 Craig St Sampaloc Manila. ay 653 po nailagay po niya marahil po sa kalituhan dahil sa kanyang kondisyun at isa narin yung madalas po nilang pag-lipat ng bahay kasi po sila ay nangungupahan lang po. Naka-burol po siya ngaun sa Prudencial Funeral Homes Maceda St. Sampaloc. Manila. Nagtutulong tulong po ang kanyang mga pamilya, malapit na kamg-anak, mabubuting kaibigan at mga taong may busilak na kalooban para sa maayos po niyang libing. Sa saturday Jan. 8 ang huling lamay, daldalhin po ang kanyang labi kinabukasan sa Cebu City na hiling po ng kanyang pamilya na naka-base sa Cebu. Hiling ko po ang panalangin po para sa mga naiwan at sa mga mahal po niya sa buhay na kanyang pinag-laban hanngang sa huling hininga. Hindi ko napo iisa-isahin ang mga trials na kanyang pinag-daanan ngunit isa po ako sa naniniwalang isa po siyang halimbawa ng isang "dakilang ina". Ilan pa kayang mahihirap nating mga kababaihan ang kaylangan dumanas ng ganitong hirap. No. 1 po tayo sa lahat ng lahi na mataas ang posibilidad na magkaroon breast cancer. Ilan kaya sa mga kababayanan natin ang kaylangan mag-hirap at magtiis dahil walang kakayahang magpa-gamot at nag-titiis ay pina-uubaya nalang sa Diyos ang kanilang kalagayan. Nakakalungkot sa mata ng isang ina na iiwan na niya ang kanyang mga anak at mas-mahirap para sa mga munting bata na magigising silang isang araw na wala na ang kanilang pinaka-mamahal na Ina. Pasensya napo sa aking napahabang message, ako po ay isa ring anak at may nanay at hindi ko po lubos maisip ang sakit at masukat yung pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Maraming salamat po sa makaka-basa pagpalain po kayo ng ating Panginoong Jesus.
Ito po yung kanyang mga larawan sa friendster paki click nalang yung kanyang album hindi po yan naka-private. Meron din siyang facebook account pero naka-friends only lang po.
www.friendster.com/viewalbums.php?uid=48380619
|
|