Post by kim on Dec 11, 2008 14:54:49 GMT 8
Dear Ma'am Vicky,
Sabik na sabik po akong mabasa niyo ang liham kong ito habang sinusubaybayan ko palagi ang iyong programang Wish ko Lang tuwing sabado ng haponsa GMA kapuso Network. Kung maitatanong po ninyo kami po ng aking pamilya ay lubos na nagmamahal sa GMA Network,dahil nga sa lagi at mabilis na pagtugon niyo sa mga nangangailangang mga kapuspalad.
Ang liham ko po ay para sa matalik na kaibigan at kumare ng aking lola na si Tan Sui Eng, tawagin na lang po natin siyang Mercedes o Lola Cedes. Siya po ay anak ng isang negosyanteng intsik at inang Muslim. Sa murang edad ay pinatay ang kaniyang ina ng mga hapon sa kadahilanang hindi makita ang kanyang ama noong kasagsagan pa ng pangalawang digmaang pandaigdigan. Nagdamdam at naglayas si Lola Cedes sa ama dahil nag-asawa ito ng kanilang tindera. Nagkaroon ng pamilya at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki si Lola Cedes ngunitng maglaon ay nagkahiwalay at napilitang magtrabaho sa club upang maitaguyod ang dalawang anak. Nakilala at doon muling umibig si Lola Cedes sa isang nagngangalang Antonio Algas na isang kapatas sa Gobyerno. Maganda ang kanilang pagsasama noong una hanggang sa mabiyayaan ng isang anak na babae noong taong 1965 na pinangalanan nilang Amy. Sa bandang huli ng malaman ni Lola Cedes na meron na palang asawa at pamilya si Antionio Algas ay di na maganda ang pakikitungo niya dito. Noon ay paroon at parito na siya sa Manila at Davao. Hanggang sa iniuwi na pala ni Antonio Algas si Amy sa kanila sa Nueva Ecija taong 1969. Noong una ay inisip ni Lola Cedes na nasa mabuting kalagayan ang anak na si Amy kaya di niya naisipan na hanapin pa ito. Ngunit habang mabilis na lumipas ang panahon ay nasasabik na rin siyang makita ang nawalay na anak, kasabay ng pagaalinlangan na baka maistorbo pa niya si Amy sa magandang kalagayan nito dahil po marahil ng pagiging may pusong ina nito. Kaya lumuwas siya ng Maynila at tumuloy sa Nueva Ecija, sa Old CIty Hall ngunit walang nakakakilala doon sa nagngangalang Antonio Algas. Pati sa radio station ay nagpa-anunsiyo siya pero bigo siyang umuwi ng Davao. Patuloy pa rin ang buhay magpahanggang ngayon kay Lola Cedes kahit siya ay salat sa lahat ng bagay. Hindi rin kasi maituturing na nasa magandang estado siya dahil walang wala at kapus rin sa pamumuhay ang kanyang mga anak. Naaawa po ako kay Lola Cedes dahil malabo na ang kaniyang mga mata at marami na siyang hinaing na mga sakit sa kaniyang katawan dahil siguro sa edad niya na 75. Hiling niya na makita ang kaniyang anak na si Amy habang di pa niya naipipikit ang kaniyang mga mata.
Sana po ay mabigyan niyong katuparan ang hiling ni Lola Cedes at lubos ko ring pasasalamatan kung anumang tulong ang inyong maiaambag sa kanya. Marami pong salamat at naway magkaroon pa po kayo ng maraming taon sa ere.
Lubos na nagpapasalamat,
Kim